Tuesday, July 14, 2009

Ikaw Ang Aking Tala

this is a poem I made for the birthday boy on July 15, 2009

hahaha! Its for My Basketball Hero..

IKAW ANG AKING TALA

Ikaw ang aking inspirasyon
Panalangin ko ay tinugon
Nais magkaroon ng gabay
Sakin ikaw ang ibinigay

Ikaw ay hinahangaan ko hindi dahil sa kayamanan
O sa itsura, galing sa pagbasketbol o sa katanyagan,
Kung hindi dahil sa iyong pagiging modelong kabataan
At dahil sa pagmamahal mo sa kapwa at sa kapaligiran

Ikaw ang naging aking inspirasyon sa lahat ng bagay
Sa paggawa ng desisyon at sa pagiging matagumpay
Lalung-lalo na sa aking pag-aaral
Ikaw ang naging sagot sa aking dasal

Maligaya ako at ikaw ay dumating sa buhay namin
Ika'y hinangaan at naging inspirasyon, lalo na sakin
Ang mga ngiti mo, sa akin ay nakakapagpasigla
Sa puso ko ay para kang isang maliwanag na tala



I made it especially for Ahya Chris Tiu..

=p



gonna make a blog about MJ and reasons why he might be aLive.. =)

Thursday, July 9, 2009

Ako Ang Simula

+Just wanna share again the poem that I made..
+its a Tagalog poem, its about taking actions & caring for our Country..

Ang ating paligid ay ating pagmasdan
May pagbabago ba sa kapaligiran?
Panahon na upang masdan ang kapaligiran,
Panahon na upang makialam sa lipunan!


Maging mulat sana ating kamalayan
Sa mga isyu ng bayan at lipunan
Malasakit atin sanang ipamalas
Sa bansang dapat minamahal ng wagas


Maraming nangyayari sa ating kapaligiran
Kailangan ng ating bansa ng pagtutulungan
Sa dinami-dami ng ating problema
Kailangan nating gumawa ng tama


Tayo ay makakatulong kahit sa maliit na paraan
Sa pamamagitan nito ang problema ay mapipigilan
Kapalaran ng bansa, nasa palad natin
PAGBABAGO AY MAGSISIMULA SA AKIN