ito ang ilan sa mga tulang ginawa ko..
SAKRIPISYO
Tanging ikaw ang aking minamahal ng lubos
Mamahalin ka hanggang sa hininga'y maubos
Pagmamahal ko sa iyo ay hindi kailanman magbabago
Hanggang sa aking pagtanda pag-ibig natin ay itatago
Handa kong ibigay ang lahat sa iyo
I-aalay ang aking buhaypara sa iyo
Gagawin ang lahat ng iyong hiling
Lumigaya ka lang sa aking piling
Handa akong ikaw ay pakawalan
Kapag ito ay kinakailangan
Masaktan man ako, ito'y para sa iyong ikasasaya
Makita lang kitang maligaya, kahit ika'y kapiling niya
Ang aking pagmamahal sa iyo ay walng kapantay
Walang katapat na halaga, kahit ang aking buhay
Handa akong gawin lahat ng sakripisyo
Lahat ng ito ay para lamang sa iyo
KAILANGAN KITA
Bawat araw na dumaraan
Kaw ang nasa aking isipan
Walang araw na hindi ko binalikan ang ating pinagsamahan
Bawat araw ay inaasam ko na malasap uli ang iyong hagkan
Babalik ka pa kaya sa aking tabi
Handa akong hintayin ka buong gabi
Ako ay lubos na nangungulila sa iyo
Hanggang kailan ako magtitiis ng ganito
Ang yakap mo ay hinahanap-hanap
Ang iyong halik ay nais malasap
Ang ngiti mong sa akin ay nakakapagpasaya
Ang lahat ng ito ay malalasap ko pa kaya
Ikaw ang tanging gabay ko sa aking buhay
Mula ng makilala ka, buhay ko ay naging makulay
Ikaw ang aking kailangan
Ngayon at sa magpakailanman
IKAW
Hindi ko man sayo maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Hindi ko man maisip
Ikaw ang panaginip
Aking buhay naging makulay
Ang puso ko ay iyong tinangay
Lagi nang mayrong ngiti sa labi ko
Mula ng ikaw ay makilala ko
Ikaw pa lamang ang minahal ko ng ganito
Tuwing ika'y nakikita, ako'y litong-lito
Ano bang kakaibang katangian meron ka
Nangyayari sakin ay nakakapagtataka
Hinahanpa-hanap kita
Nais na kitang makita
Nais kitang makasama habang buhay
Ang aking pag-ibig sayo ay tunay
_ saRahjO23 _
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment